Ginisang Upo sa Alamang

Ginisang Upo sa Alamang. Masarap po talaga ang ginisang upo sa kung anumang isahog na karne. Ngunit ang hipon ay malakas mag-amplify ng lasa at kung isasahog ang alamang (tiny shrimps) d2.. sabaw pa lang ay ulam na.. (",)


Sangkap:
1/4 kilo alamang
1 upo (hiniwa)
3 butil bawang (pinitpit at tinadtad)
1 sibuyas (hiniwang maninipis)
1 knorr chicken cube
1 1/2 kutsara ng bagoong
2 kamatis (hiniwang manipis at pahaba)
Paminta
Patis
1 tasang tubig
Mantika

Paraan ng pagluluto:
Igisa ang bagoong sa bawang at sibuyas. Idagdag ang alamang at gisa-gisahin hanggang maluto. Idagdag ang tubig, chicken knorr cubes, paminta at kamatis. Takpan at kapag kumulo na ay hinaan ang apoy at hayaan ng 5 minuto. I-adjust ang lasa sa pamamagitan ng patis kung kailangan. Tandaan po lamang na ang bagoong at knorr chicken cube ay maalat na. Huli po nating idagdag ang upo. Madali lang po itong maluto (mga 3-5 minuto) at kapag luto na ay patayin ang apoy at isilbi sa maraming kanin na may patis.. bon apettite!

Related Posts:

0 Response to "Ginisang Upo sa Alamang"

Posting Komentar